Thursday, July 28, 2005

life after burnout

Pasintabi...tagalog muna at baka masilip ng mga di dapat makasilip....mejo premature pa e.

Yun, nagpulong kmi, lunes ng umaga. Same old, same old. Mejo mas mahaba lang ang pakikinig nya ng reklamo, pero ang suma tutal, tumataginting pa ring "NO" ang sagot nya sa mga hinaing namin. Minsan gusto kong turuan ang effective communication e....mukang nakalimot na.

Anyways.....pagtapos ng pulong, naisipan kong dumaan sa isang Pilipina na parang nanay na namin dito, nasa magandang posisyon na sya, manager ng isang unit, pero mukhang hanggang dun na lang sya. Kahit na anong galing nya, di na sya mabibigyan ng pagkakataong umangat pa, kasi ng pinoy, hindi puti. Yun nga, dinalaw ko sya, bigla ba namang nag print na ng request ng paglipat ko at tinawagan ang manager ng telemetry.....instant na interview. Take note, naka-maong at running shoes ako ha! Pero nangyari na ang nagyari, tanggap na ako. Kinahapunan, bumalik ako para mag-duty. Kinausap pa ako ng amo ko, nag request na mag 16 hours ako sa Sabado dahil walang pwedeng mag-charge sa umaga. Pumayag naman ako dahil di ko na kailangang pumasok ng Biyernes. Ayos, 4 na araw ang bakasyon ko! Saya. Bago ako umuwi kinagabihan, nilagay ko sa box nya ang request ko at di na ko nakatulog magadamag sa kakaisip ng reaksyon nya. Unang makikita nya pagpasok nya ay ang hangarin kong iwan na sya. Naghintay ako ng tawag-wala.

Kanina, ipinasa ko naman ang sulat ko para mas maintindihan nya kung bakit ko naisipang umalis. Sabi ko, professional at hindi personal ang rason ko. Charing! At syempre itinaon ko na wala na sya sa opisina. Mamaya, ako na naman ang sisira sa araw nya! Pero sya naman ang nagsabi, pag iniwan mo ang prutas sa lamesa ng isang linngo, o isang buwan, mawawala ang freshness, tuluyan ng masisira - parang trabaho din. So, me valid reason na ako, di ba?

Sa ngayon, hintay lang muna ako ng sagot ng amo ko. Buti na lang nung evaluation namin, wala naman syang reklamo sakin, maliban sa call in. Aba, karapatan ko naman yatang magkasakit no! Isa pa, tanggap na ko e, Nauna na ang build-up sa akin ni Cris.

Yun lang po muna, salamat sa mga concerned calls, emails and comments...di naman ako nag suicide, nagpahinga lang.

3 Comments:

Anonymous Anonymous said...

sana nga ay lumigaya ka na sa TELE. telephone operator ka ba dun?

ang prutas ay hindi dapat hinahayaan sa lamesa ng isang linggo & beyond. may ref naman. lagay dapat sa freezer.

3:30 AM  
Blogger cutiewitch said...

haha, tama ka jan....kya ng papunta nako sa ref e!!!!!!

2:21 PM  
Anonymous Anonymous said...

..........hay, hindi ko alam ang sasabihin ko. I wish I was there to hug you. Ingat ka lagi.

12:21 AM  

Post a Comment

<< Home