Tuesday, May 17, 2005

Miss ko na ang Pinas!

Ang tagal ko ng 'di umiiyak. Feeling ko kasi happy naman ako. Sanay nako ng malayo sa mga kaibigan at mahal ko sa buhay. Nakakatulong ako sa pag-aaral ng mga kapatid ko, at nakakapagpadala din ng extra pang panggastos. Di ba 'yun naman ang dahilan kung bakit ako nandito?

Patulog na kasi ako e, tapos na ang Full House. Alas singko na ng madaling-araw at me pasok pa ko ng alas tres mamayang hapon. Ewan ko ba at naisipan kong mag friendster-hopping. Naisip ko baka me bagong pictures, o message sa bulletin board. Una kong nakita ang birthday cake sa baba ng pangalan ng bunso kong kapatid. !8th birthay na nga pala niya sa katapusan. Ang tagal kong pinagplanuhan ang debut nya. Kahit di ako nagdebut, alam kong maaari nya rin itong hingiin sakin. Dapat nga uuwi pako. Namiss ko na kasi ang high school graduation nya. Gusto ko sanang umuwi para naman maka- attend ako ng debut nya. Kaso nga, sa kasamaang palad, mami-miss ko na naman ito. Pangalawa na. Namiss ko din ang college graduation ng isa ko pang kapatid, na teacher na ngayon. Malamang sa hindi rin ako makakauwi sa graduation ng isa pa, na kumuha naman ng architecture. December kasi, sabay kami. What a big price to pay for being in the U.S.

Nasipan ko ding silipin ang pictures ni Ana, dati kong kasama sa Zuellig. Makita ko naman ang itsura na ng mga kasama ko dati. Namiss ko bigla si Ana, Florence, Joan, Melvin, Ted, Suzette and Jenny. Sinilip ko yung isa pa. Dun nako nagsimulang umiyak. Me iba ng ka-holding hands si Jonathan, at si Ted, me cute na katabi.....dati kasama nila ko sa mga pictures nila. Ngayon ko lang na-realize kung gano ko talaga kamiss ang Pilipinas. Gusto ko sanang tignan yung mga luma naming pictures, lalo na yung sa Eulogio (?) Lopez Foundation. Kaso hindi ko pala nadala. Naka-album kasi, bulky sa bagahe.

Paminsan-minsan, nakikita ko ang picture ni Audrey sa friendster ni Renee. Kumista na kaya sila Boss Dan, si Noel minsan nakakatext ko din. Si John kaya nakaalis na? Sana puwede ko man lang yakapin si Heyds dahil sa may sakit ang nanay nya. Si Kuya Mike kaya, dalaga na siguro ang mga anak nya. Ay si Sheila, nandito sa California.

Sino na kaya ang kasama ni Kai at Irene sa pag-ikot sa Rob, sa kakahanap ng sale? Kumusta na kaya si Tatang? Sana naman magparamdam. Wish ko lang nakasunod na siya sa ate nya sa UK. Aryan, sister, ano nang balita sa'yo?

Kelan kaya ako makakauwi ulit? Marami akong kailangang gawin pag-uwi ko. Dapat maglaan ng maraming oras para makita ko ulit ang mga dati kong kaibigan. Para makapag-ipon ulit ng memories pananggalang sa mga oras na parang mababaliw nako sa sobrang lungkot...kahit hindi ko man aminin, kahit pilit ko mang ideny....

Makatulog na nga. masakit na ang ulo ko sa kakapigil ng iyak.

1 Comments:

Blogger cutiewitch said...

so true sis. malungkot!!!

10:12 PM  

Post a Comment

<< Home