Saturday, April 15, 2006

hindi ako pagod......sobra, sobra, sobrang pagod. konti na lang mamamatay nako!!!

Kung bakit ba naman kasi, naisipan ko pang mag Nar-s ulit e and sarap sarap ng buhay ko sa pag memed-rep. Walang doctor na masungit pag tinatawagan, walang ka endorse na akala mo hindi marunong magkamali, at walang ka endorse na nag iiwan nag lahat ng trabaho. Kung pwede lang mamitik ng tenga!

Eto naman ksing si amo e, ilang buwan pa lang na pangalawang pinuno, akala mo nakalimutan na nya kung gano katoxic ang floor. Pagtrabahuhin ba ako ng limang sunod-sunod na araw! As if naman nakaupo lang ako plagi at naghihintay lang ng uwian. Akala mo di nya alam na after 2 days e halos ayaw mo nang bumalik sa jungle na tinatawag na 6 south! Utang na loob!

Kaya ko namang intindihin na me mga trabahong maiiwan sa sobra ngang kaguluhan sa gubat. Pero ang sabihin mo sakin na hindi mo trabaho yan, na bhala na ang doktor kung kelan nya makita...hello???? Baka bumangon si Florence Nightingale at bigla kang batukan! E di i-write up nga kita habang tumutulo ang luha ko sa sobrang frustration. Kakainis e.

so heto ko, after 5 days na straight na trabaho, kailangan ko namang maglaba ng 2 weeks worth na damit, maglinis ng banyo at magpalit ng bedsheet. Susmaryosep, walang katapusan! Makanuod na nga lang ng Brokeback Mountain

Friday, April 07, 2006

How I got over late night-early morning reruns.......

by taking on a new addiction.....

ABS-CBN now